Tungkulin at Karapatan

Editor’s note (contemporary; printed with the article in the Philippine Graphic, September 28, 1966)

Author accepts a challenge

WHEN the article, “Language: A People’s Soul” (in two parts, GRAPHIC, Aug. 24 and 31) by Manuel L. Quezon, Jr., was published, little did GRAPHIC realize that it was setting off a rash of letter-writing from readers interested in the propagation of our national language.

In that article: Mr. Quezon said:

“Those who write, and in general, those who belong to intellectual circles would be doing a great service to the people if they were to start using Filipino, even at the cost of some effort. Unless they believe in establishing a kind of intellectual foreign-oriented elite from which the generality of the population are to be excluded, they must logically use more and more both to reach those who already know it well and to help spread it among those who do not.”

Letters came pouring in from readers all over the country. Some wanted Mr. Quezon himself to translate into Filipino his writings in English, which had appeared in GRAPHIC. Others chided him for suggesting a worthwhile proposal but failing to follow it. Miss Elsa M. Luis of Paniqui, Tarlac, wrote:

“He (Mr. Quezon) writes, and I believe, he belongs to intellectual circles; therefore, he should have begun (practising what he was preaching) with his article. Granting—because it is the fact—that GRAPHIC uses English as its medium of communication, he could have asked a special favor that he may use Filipino. If GRAPHIC would refuse, there are Filipino magazines to turn to.”

In answer to those of the first category of readers, Mr. Quezon expressed regrets he could not accommodate their suggestion. “Ang inyong nais na isalin ko sa Filipino ang aking mga isinulat sa Ingles ay hindi ko pangangahasang gawin sapagkat ang pagsasalin ay isa sa pinakamahirap na gawin ng isang manunulat, at ipinagtatapat ko na hindi ko kaya,” he wrote.

Instead, taking a cue from readers of the same persuasion as Miss Luis, Mr. Quezon sought “special favor” from GRAPHIC and sent in the accompanying article as his answer to readers of the category. GRAPHIC, which (as you may have noticed) started last week running its editorials both in Filipino and in English, was only too willing to oblige.

Of this article, Mr. Quezon has this to say:

“Here is an attempt at writing an article in Filipino. Any criticism you have regarding the style or shallowness of treatment of the subject matter is fully justified. My purely Western-language education is perhaps an extenuating circumstances. I can only plead that I am trying to practise what I preach. My friends will testify that my conversational Filipino is fluent and unmixed, although I write it clumsily.”

ANG lakad ng pag-iisip ng ating mga ninuno, noong bago pa dumating ang mga dayuhang puti sa ating lupa, ay di karakarakang matitiyak sa ating panahon.

Ang dahilan nito’y, sa ilalim ng iba’t ibang watawat na sumakop sa atin, may mga pagbabago ng ugali na di maiiwasan. Kung minsan ang pagbabagong iyan ay naging sa ating kapakanan at kung minsan naman ay naging sa kapahamakan natin.

Isang paraan upang mabatid natin ang isip ng ating mga ninuno, pagkalipas ng halos limang daang taon, ay ang pag-aaral ng kahulugan at pinanggalingan ng mga salita ng ating wika.

Gamitin natin ang isang halimbawa sa wikang Latin. Sa kasalukuyan, ang salitang “senador” ay walang ibang kahulugan kundi ang isang kinatawan ng bayan na kabilang sa bahagi ng Kongreso na tinatawag na Senado. Subalit ang salitang Senado ay hinango sa salitang Latin na senatus, ang pagpupulong ng mga senex, ang mga matatanda, na may karapatang gumawa ng mga batas para sa bayang Romano sa mga unang panahon.

Samakatuwid, sa mungkahi ng mga dating Romano, ang may karapatang magsabi kung ano ang dapat gawin o sundin ng bayang Romano ay ang mga matatanda na kinikilala at iginagalang ng madlang Romano.

Pag-aralan natin ang mga salita na ginagamit natin sa mga nagpapalakad ng bayan, sapagkat diyan natin makikita na dapat nating ipagmalaki ang ugali at ang budhi ng ating mga ninuno.

Ang may kapangyarihan sa bayan ay sinasabing may katungkulan. Ano ang kahulugan ng salitang yaon?

Ang salitang “katungkulan” ay hango sa salitang “tungkulin,” ang karapat-dapat gawin ng may pinananagutan.

Samakatuwid, ang nasa katungkulan ay isang tao na may tungkuling dapat tuparin sa paglilingkod sa kaniyang nasasakop.

Diyan natin mauunawaan na, ayon sa ating mga ninuno, ang kapangyarihan ay hindi napapasa-kamay ng isang tao upang gamitin niya at samantalahin niya sa sariling kapakanan, kundi sa kapakanan ng kaniyang mga nasasakop.

Gayundin ang salitang “karapatan.” Ang karapatan ay ang dapat, maging dapat gawin o iwasan ng may karapatan, maging ang dapat kilanlin sa may karapatan.

Samakatuwid, ayon sa isip ng ating mga ninuno, may mga dapat igalang sa bawat isa, at sa paggawa naman ng bawat isa’y nauukol na kaniyang kilanlin kung hanggang saan siya maaring umabot sa kaniyang pagkilos at paggawa. Ang labis doon ay hindi na karapatan, sapagkat hindi na dapat.

Kapag hinalungkat natin ito, mauunawaan natin na, ayon sa ating mga ninuno, ang karapatan ng bawat isa ay hindi kalayaang gumawa ng kahit na ano, maging mabuti, maging masama. Ang kalayaan ay ayon sa karapatan lamang nauukol na gamitin, sa karapatdapat. Ang paghigit doon ay paglabag na sa tunay na kalayaan, sapagkat makasisira sa karapatan ng tao.

Noong lusubin ng mga Amerikano ang ating bayan upang yurakan ang ating pagsasariling pambansa na unti-unti’y nababawi na natin sa mga Kastila, ang pagdadahilan na kinasangkapan ng mga Amerikano ay upang gawin daw tayong mga Kristiyano (yamang matagal nang Kristiyano ang karamihan ng mga Pilipino), upang tayo’y maging sibilisado, (para bagang hindi pa tayo sibilisado ng panahong yaon), at tuturuan daw nila tayo ng demokrasiya.

Dapat nating ikahiya, mga kababayan, na hanggang ngayon ay mayroon pa tayong mga kalahi na tinatanggap at inuulit ang mga naturang maling pangangatuwiran. Inuulit nila at itinuturo nila sa iba, bilang mga loro na hindi iniisip ang kanilang sinasabi.

Huwag na lamang natin silang kaiinipan o kagalitan. Ayon sa pagkakawanggawa sa kapuwa, na tungkulin nating lahat sa harap ng Panginoon at ng ating kapuwa tao, isipin na lamang natin na hanggang doon na lamang ang abot ng kanilang isip—hindi nagbubuhat sa kasamaan o sa pagkukulang sa karangalan ng ating bayan at lahi.

Subalit ang buong katotohanan ay maling-mali sila. Ang pamahalaan na itinatag ng ating mga bayani, ang saligang batas na ipinatalastas sa Malolos, ay ayon sa demokrasiya, ayon sa mga simulain at patakaran ng demokrasiya, na hinango sa iba’t ibang aral ng mga tagapagtanggol ng kalayaan, sa mga aral ng Pananampalataya na nagtuturo na lahat tayo ay magkakapatid sapagkat anak tayong lahat ng Maykapal, at ayon din sa isip at simulain ng ating mga ninuno, na kumikilala na ang tao ay nasa kapangyarihan upang tumupad sa mga tungkulin sa kaniyang nasasakop at ang mga nasasakop naman ay malayang gumawa ng ayon sa kaniyang karapatan, sa “dapat” niyang isagawa tungkol sa nasa katungkulan at sa ibang mga kapuwa.

Ano pang batayan ng demokrasiya ang maituturo sa atin ng mga Amerikano?

Subalit isinasagawa kaya ngayon ang mga napakagandang simulaing yaon? Masakit kilanlin, subalit ang katotohanan ay napakaraming nasa katungkulan na nakalilimot: ang layunin ng katungkulan ay ang pagtupad sa tungkulin sa bayan, hindi ang pananatili sa kapangyarihan upang magpayaman o upang pagsikapan ang sariling kapakanan, kahit na mapahamak ang kapuwang mamamayan, o lalong mapalubog sa hirap.

Sa kabilang panig naman, nililimot din ng maraming mamamayan na ang kanilang karapatan ay tungkulin din, ang paggamit ng kanilang kalayaan sa nararapat lamang, hindi sa ibang bagay, sapagkat ang paggamit ng kalayaan sa ibang bagay ay hindi tunay na kalayaan kundi ang pagsira at paglabag sa tunay na kalayaan na siyang isang pinakamahalagang biyaya ng Panginoon sa tao.

Nauukol na pagkurukuruan ng bawat isa, maging ang nasa katungkulan, maging ang pangkaraniwang mamamayan, kung ano ang kaniyang ginagawa, kung paano ang kaniyang paggamit ng kaniyang kalayaan sa kaniyang pamumuhay.

Huwag nating akalain na bubuti ang tayo ng bayan, huwag tayong umasa na uunlad at titibay ang ating demokrasiya, kapag bawat isa’y walang iniintindi kundi ang sariling kapakinabangan lamang, kung hindi iisipin ng bawat isa, at isasagawa, ang pagtupad sa sariling tungkulin, ang paglilingkod sa bayan ng nasa katungkulan, at ang paggamit ng mamamayan ng kaniyang kalayaan at karapatan sa ikabubuti ng kapuwa, maging mataas at marangal, maging aba at dukha.

Ang ating demokrasiya ay mabubuhay lamang kapag palaging iniisip ng lahat ang kahulugan ng salitang “katungkulan” at “karapatan.”


Published in the Philippine Graphic, September 28, 1966.

Text checked against the scanned clipping.

The original clipping

Avatar
Manuel L. Quezon III.

Leave a Reply