Ang Mabuting Laban, ni Manuel L. Quezon
Karapatang Maggpalathala
Copyright, 1946 by
Aurora A. Quezon
Maria Aurora Quezon
Maria Zeneida Quezon
Manuel L. Quezon Jr.
Inaangkin ang lahat nang karapatan. Ang aklat na ito o mga bahagi nito ay hindi dapat isalin sa ano mang anyo nang walang pahintulot ang tagapaglathala.
DEDIKASYON
SA AKING ASAWA’T MGA ANAK
Na ang katapangan sa harap ng pinakamalaking panganib at ang pagkamatapat sa akin at sa simulang aming ipinaglalaban ay siya kong naging diwa sa loob ng mga araw na kahambal-hambal sa Korehidor, at sa mahabang paglalakbay buhat noon.
M. L. Q.
2: TIMOTEO, 4.7:
“Ipinaglaban ko ang mabuting laban, natapos ko na ang takbuhan, naingatan ko ang ipinagkatiwala sa akin.”
DEDIKASYON NG MGA NAGSATAGALOG
SA BANAL NA ALA-ALA NG MGA YUMAONG
PANGULONG MANUEL LUIS QUEZON
GINANG AURORA ARAGON QUEZON
MARIA AURORA QUEZON AT
PHILIP BUENCAMINO III
AT SA KANILAN MGA ANGKAN NA SINA
GINANG ZENEIDA QUEZON BUENCAMINO
(NGAYO’Y AVANCEÑA)’T MGA ANAK
AT SA
GINOONG MANUEL L. QUEZON JR.
Ang mga Nagsatagalog
EPIGRAP
“Ang mga mamamayan sa Estados Unidos ay hindi makalilimot kailan man sa ginagawa ng mga mamamayan sa Pilipinas sa mga araw na ito, at sa kanilang gagawin sa mga darating na araw. Sa aking pagkapangulo ay nais kong ipahayag ang aking damdamin ng matapat na paghanga sa pakikilabang kanilang ginagawa, sa kasalukuyan. Ibinibigay ko sa mga mamamayan sa Pilipinas ang aking banal na pangako na ang kanilang kalayaan ay muling ibabalik, at ang kanilang kalayaan ay itatatag at pangangalagaan. Ang buong kayamanan ng Estados Unidos sa tauhan at kagamitan ay nakatayo sa likuran ng pangakong iyan.”
Buhat sa Pahatid ni
Presidente Roosevelt
Sa bansang Pilipino
Noong Disyembre 28,
1941.